ANG CATUNGCULAN NANG TAUO
SA D?OS
Si Urbana cay Feliza.—MANILA …
FELIZA: N~gayon tutupdin ang cahin~gian mo, na ipinan~gaco co so iyo sa huling sulat fecha....
Sa man~ga panah?ng itong itinir? co sa Ciudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagcacatiuala nang magulang sa aquing maestra, at ipinag bibilin na pag pilitang macatalast?s nang tatlong daquilang catungculan nang bata na sinaysay co sa iyo. Sa manga batang ito, na ang iba,i, casing edad mo, at ang iba,i, humiguit cumulang, ay na pag quiquilala ang magulang na pinagmulan, sa cani-canilang cabaitan ? cabuhalhal?n nang asal. Sa carunun~gang cumilala sa Dios ? sa cahan~galan, ay nahahay?g ang casipagan nang marunong na magulang na magturo sa anac, ? ang capabayaan. Sa man~ga batang ito,i, ang iba,i, hindi marunong nang ano mang dasal na malalaman sa doctrina cristiana, na para baga nang Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan, na sa canilang edad disin, ay dapat nang maalaman nang bata, caya hindi maca sag?t sa aming pagdaras?l ? maca sag?t man ang iba,i, hindi magauing lumuh?d, ? di matutong uman-y?, na nauucol bagang gauin sa harap?n nang Dios. Sa pag daras?l namin, ay nag lulupagui, sa pagsimba,i, nag papalin~galin~ga, sa pagcain ay nag sasalaul?, sa pag lalaro,i, nananampalasan sa capoua bata, ? nan~gun~gusap caya nang di catouiran; caya ang man~ga batang ito,i, maquita mo lamang ay maca pag dadalang galit. ?Oh Feliza, gandang palad natin, at pinagcalooban tayo nang Pan~ginoong Dios nang marunong na magulang! Dahilan s? cahangalang ito nang man~ga bata, ay di unang itinuro nang Maestra,i, ang dasalan, at nang matutong cumilala at maglingc?d sa Dios; ang pagbasa nang sulat, cuenta, pagsulat, pananahi, at nang maalis sa cahan~galan. Dinguin mo naman ang aming gagauin sa arao arao.
Sa umagang pagca guising bago cami malis sa hihig?n, nag cucruz muna, nagpupuri,t, nagpapasalamat sa Dios, para rin naman nang itinuturo sa atin nang canitang magulang. Macaraan ang ilang minuto, maninicloh?d cami saharap?n nang larauan nang ating Pan~ginoong Jesucristo at ni Guinoong Santa Maria, ihahayin ang p?so sa pag lilingc?d sa Dios sa arao na yaon, hihin~gi nang gracia na icaiilag sa casalanan. Cun matapos ito,i, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit na malinis, patutun~go sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz muna, yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang magpalin~gap-lin~gap, ang maglar? at magtau?nan. Pagdating sa pintoan nang simbahan, ay magdaras?l ang baua,t, isa sa amin nang panalan~ging sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano. Pagcaoc nang tubig na bendita, ay iniaalay co sa aquing maestra, sapagca,t, cautus?n, na cun may casamang mahal ? matand?, ay dapat ialay. Pagca tapos, ay lalacad at maninicloh?d sa harap nang Sant?simo Sacramento; ang iba,i, magdaras?l nang rosario, ang iba,i, may hauac na libro sa cam?y at dinadas?l ang man~ga panalan~ging ucol sa pagsisimb?. Sa pagluh?d namin, ay ibinabaual nang Maestra, na palibotlibotin ang mat?, itinuturo na itun~g? ang ulo, at nang houag malib?ng sa lumalabas at pumapasoc na tauo. Cun cami,i, naquiquinyig nang serm?n, ay tinutulutang umup? cami, n~guni, ipinagbabaual ang maningcay?d, sapagca,t, sa lalaqui ma,t, sa babaye, ay mahalay tingnan ang up?ng ito, at tila ucol lamang sa hayop. Sa Pagup? namin, ay ipinagbibilin nang Maestra na cami ay magpacahinhin, itatahimic ang bibig, mat? at boong catauan, paquiquingang magaling ang aral nang Dios Esp?ritu Santo, na ipinahahay?g nang Sacerdote Feliza, nan~gan~gal? na ang cam?y co sa pags?lat, ay sa iba nang arao sasaysayin co sa iyo ang man~ga biling ucol sa paglagay sa simbahan. Ihalic mo aco sa camay ni ama,t, ni ina: Adios, hangang sa isang sulat.—URBANA.
Данный текст является ознакомительным фрагментом.