UNANG SULAT
NI FELIZA CAY URBANA
Paombon y Mayo 10. 185 …
URBANA: N~gayong ? las seis nang hapon na pinagugulong nang hari nang astros ang carrusang apuy, at itinatago sa bundoc at cagubatan, ipinagcacait sa isang capuloan ang caliuanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat nang guinto,t, p?rpura: ang mundo,i, tahimic, sampuo nang amiha,i, hindi nag tutuli,i, nagbibigay alio, ang man~ga bulaclac, ay nan~gag sasabog nang ban~gong inin~gat sa doradang caliz; ang lila,t, adelfa na itinanim mo sa ating pintoan; ang lirio,t, azucena; ang sinamomo,t, campupot na inihanay mo,t, pinag tapattapat sa daang landas na ang tinutun~go,i, ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nan~gagsisin~giti,t, ang balsamong in~gat ay ipinadadala sa hihip nang han~gin; mapalad na oras na ipinag lilibang nang camusmus?n ta, ipinagpapasial sa ating halamanan. Marahil Urbana,i, di mamacailang pagdating sa iyo nang oras na ito, ang alaala mo,t, boong catauohan ay nagsasaoli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay nang man~ga bulaclac na bago pamuti sa parang linalic na man~ga daliri mo,i, pinaiibayuhan ang di munting pagod sa pagaalaga.
Naglilibang icao, aco,i, gayon din naman, at dito sa lihim nang namumulaclac na suh?, ay sinasagap co ang caaya-ayang ban~g?, pinanonood co ang lipad nang ibong napaiilang lang sa himpapauid; ang pato at tag?c na nonoui sa hapunan, husay nang pag liliparan, tulad sa ej?rcitong nag susunod sunod, ualang nahihiualay, iisa ang loob iisa ang tun~g?, isa ang sinusundan nang sang bayanang ibon, at palibhasa i, tulad din sa tauo may pinipintuho,t, sinusunod na hari. Sa pag didili-diling ito i, di caguinsa guinsa,i, napaimbulog ang pag iisip co, icao ang hinanap sa loob nang halamanan, sinundan sundan ca at napanood cong mamumuti nang bulaclac, pinag salit salit, pinag tama tama ang sari-saring culay, guinagauang ramillete: saca co naquita na inihahain sa maalindog na reina nang rosas, ni Urbana, rosa naman sa calinisan. Magpahangan n~gayo,i, aquing natatanao na nunuti ca nang amapola, nang maquita co na nagniningning na sa man~ga buroc na iyong daliri ay sinundan quita, napahabol ca naman, saca nang abutan quita,i, conouari itinangui ang quimquim na bulaclac, saca ipinaagao sa aquin: at nang macuha co na,i, in~gay nang canitang paghahalac-hacan sa loob nang halamanan. ?Masay?ng halac-hac na iquinagagalac ni ama,t, ni ina na ninitang toua sa pag aaliuan nang dalauang an?c!
Magpahanga n~gayo,i, di co nalilimutan ang casipagan mo, na pagca guising sa umaga,i, malicsing baban~gon, sasandatahin ang cruz, maninicluhod ca,t, magpupuri sa Dios, magpapasalamat at iniadya ca sa madlang pan~ganib at pinagcalooban nang buhay na ipaglilingc?d sa caniyang camahalan sa arao na iyon Dios ang unang bigc?s nang labi mo, at palibhasa,i, Dios ang unang isip mo.
Aquing natatanao ang cauili uiling any? mo, ang cabaita,t, cahinhinan na nagniningning sa iyong paglacad at boong caasalan, na ipinaquiquita sa pagtun~go sa simbahan, at ipinaqui-quinyig nang Santo Sacrificio. N~gayo,i, naqui-quita cong buc?s ang dibdib mo, at natatanao co ang malinis mong puso, na naquiquibagay sa sacerdote na inihahain mo nang boong pagibig, ang Dios nang pagibig na hauac sa camay, at iniaalay sa di matingcalang Ama, alaala,t, galang sa mataas niyang capangyarihan, na ipinag-hahari sa sangdaigdigan.
Nalulugod aco sa capacumbabaan mo at pamimintuho cay ama,t, cay ina, na palaguing gayac ang loob sa pagsunod sa canilang utos, at paghin~gi nang bendicion bago patun~go sa escuela. Dili magcasiya sa puso co ang quinamtan cong toua; n~gayong nagsasaoli sa aquing alaala ang casipagan mong magaral nang leccion na ibinibigay nang Maestra, sa pagnanasang maliuanagan ang bulag na isip, at maca quilala sa Dios na cumapal nang iyong catauohan, punong pinagmulan nang iyong caloloua at siya ring caoouian. Ang cabaitang di hamac na ipinaquiquita mo sa escuela, na tinitipid mo ang gaui nang cabataang mag lar? sa capoua bata; ang cahinhinan nang iyong asal na di maquitaan nang cagaslaua,t, catalipandasan, mag pahangan n~gayo,i, di nalilimutan nang canitang Maestra, at sa touing masabi sa aquin, ay nagagal?c ang loob co,t, nagnan?sang mahouar?n ang magandang caasalan mo. Ang mabining lacad na buc?l sa iyo,t, di pinagaralan; ang mahinhing titig nang mat? mo na di nag papalibot libot, at ang tinapunan ay ang linacarang lupa, cun maalaala co na dahilan dito,i, iguinagalang nang man~ga batang lalaqui,t, di ca mahaguisan nang masam?ng aglah? ay namamangh? aco, at naipag hahalimbaua quita sa reina nang man~ga bulaclac, na pinaggugulan nang dunong nang naturaleza, na biniguian nang caaya-ayang culay, cauili-uiling ban~g?,t, naca bibihag na diquit; n~guni cun paugahas?ng salan~gin nang salan~gapang na cam?y, ay capilitang magdurusa, sa pagca,t, ipinagtatang?l nang tinic.2
Cung aco,i, mangaling sa escuela, macapag pahin~g? nang munti, mup? sa habiha,t, pagaralan cong habihin ang damit na isusuot ni ama ? ni ina, ay naaalaala co yaong matouid mong aral na capurih?n nang isang anac na babaye, ang maca pagalay sa magulang nang damit na caniyang pinagpagurang hinabi. Pag aco,i, umup? sa tabi nang panahian, dumamp?t nang cayo-gumamit nang carayom, at magbu? nang damit, ? humarap caya sa cal?n, magtiis nang init nang ap?y sa pan~gun~gusina, ? aco caya,i, mag linis sa pamamahay, ang sinusun?d co,i, yaong magand? mong hatol na ang gagauin nang babaye, pagcamulat nang mat? hangang sa ipiquit ay ualang catapus?n, at dapat ang uica mong papamihasahin ang catauan sa paggau? toui na, sa pagca,t, ang casipagan at calinisan, ay hiyas nang babaye, at ang catamara,i, isang capintasan.
Sa pagbasa mo, Urbana, nitong aquing titic, ay parang naquiquita co na, nagcucun?t ang no? mo, ga namumuh? na,t, tinutug?n mo aco, at nan~gun~gusap ca sa aquin: ang bilin co sa canitan Maestra na sabihin sa iyo na isulat mo sa aquin ay ang guinagau? mo sa arao arao, ?ay ano caya ang cadahilanan Feliza, at ang sinaysay mo dito sa sulat ay ang gagauin co nang quita,i, nagsasama, at di ang guinagau? mo n~gayong magca hiualay cata? Sa tanong mong ito,i, liban na lamang sa paglalar? ta, nang quita,i, musm?s pa,i, cun anong hatol mo,i, siya cong sinusun?d, at ang gagauin mo, nang icao,i, dirine, siya rin namang guinagau? co n~gayon.
N~gayong masun?d co na ang cahingian mong sumulat aco sa iyo, ay nauucol namang gantihin mo itong aquing sulat, at isaysay mo naman sa aquin ang magandang aral na tinang?p mo sa marunong na Maestra, diyan sa Maynila, sa loob nang apat na taong icao,i, tinuturuan. Dito,i, lulutasin co itong aquing titic: Adios, Urbana, hangang sa aco,i, sagotin mo.—F?LIZA.
Более 800 000 книг и аудиокниг! 📚
Получи 2 месяца Литрес Подписки в подарок и наслаждайся неограниченным чтением
ПОЛУЧИТЬ ПОДАРОКДанный текст является ознакомительным фрагментом.