ANG PINAG ARALAN NI URBANA

Si Urbana cay Feliza.—Manila …

FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t, nang binabasa co na,i, napintas?n quita,t, dinguin mo ang cadahilanan. Ang una i, nabanguit mo si ama,t, si ina, ay di mo nasabi cun sila,i, may saquit ? ual?; n~guni pinararaan co ang caculan~gan mong ito, at di cataca-tac? sa edad mo na labing dalauang taon; ang icalaua,i, hindi ang b?hay co cun di ang b?hay mo ang itinatanong co,i, ang isinag?t mo,i, ang pinagdaanan nang camusmus?n ta, at madlang matataas na puri sa aquin, na di mo sinabi na yao,i, utang co sa mabait na magulang natin at sa Maestrang umaral sa aquin. N~guni, pag dating sa sabing nagcucun?t ang no? co, at sa man~ga casun?d na talata, ay nan~giti ang puso co, nagpuri,t, nagpasalamat sa Dios, at pinagcalooban ca nang masunoring loob.

N~gayo,i, dinguin mo naman at aquing sasaysayin yamang hinihin~gi mo ang magandang aral na tinangap co cay Do?a Prudencia na aquing Maestra. Natatanto mo, na aco,i, marunong nang bumasa nang sulat nang taong 185 … na cata,i magcahiualay. Pag dating co rini, ay ang una, unang ipinaquilala sa aquin, ay ang catungculan nating cumilala, mamintuho, maglingc?d at umibig sa Dios; ang icalaua,i, ang cautan~gan natin sa ganang ating sarili; at ang icatlo,i; ang paquiquipagcapoua tauo. N~guni, at sa pagca ang sulat na ito ay hahabang lubha, cun aquing saysayin itong man~ga daquilang catungculan nang tauo, buc?d dito nama.i, n~gayong, ? las sieting mahiguit nang umaga na aco,i, sumusulat, ay malapit na ang oras nang pag-aaral co, ay sa icalauang sulat mo na hintin ang pag sun?d co sa cahin~gian mo: Adios, Feliza.—URB?NA.

Более 800 000 книг и аудиокниг! 📚

Получи 2 месяца Литрес Подписки в подарок и наслаждайся неограниченным чтением

ПОЛУЧИТЬ ПОДАРОК

Данный текст является ознакомительным фрагментом.