ANG AASALIN SA SIMBAHAN

Si Urbana cay Feliza.—MANILA....

FELIZA: Napatid ang hul? cong sulat sa pagsasaysay nang tap?t na caasalan, na sucat sundin sa loob nang simbahan: n~gayo,i, ipatutuloy co. Marami ang naquiquita sa man~ga babayeng nagsisipasoc sa simbahan, na lumalacad na di nagdarahan, nagpapacagaslao-gaslao, at cun mariquit ang cagayacan, ay nagpapalin~gaplin~gap, na anaqui tinitin~gnan cun may nararahuyo sa caniya. Marami ang namamanyo nang nan~gan~ganinag, nacabin~git lamang sa ulo at ang modang ito,i, dala hangang sa paquiquinabang at pagcocompis?l. ?Oh Feliza! ?napasaan caya ang galang sa lugar Santo? ?napasaan caya ang canilang cahinhin?n? Diyata,i, lilimutin na nang man~ga babayeng cristiano yaong utos sa canila ni S. Pablo, na pinapagtataquip nang muc-ha sa loob nang simbahan, pacundan~gan sa man~ga Angeles?3 ?Diyata,i, hangang sa confesionario,i, dadalhin ang capan~gahasang di nagpipitagang itany?g ang muc-h? sa Sacerdote? may naquiquita namang naquiquipagtau?nan sa capoua babaye; ? uup? caya at maquiquipagn~gitian sa lalaquing nanasoc, ano pa n~ga,t, sampo nang bahay nang Dios ay guinagauang lugar nang pagcacasala.

Itong man~ga biling huli na ucol sa lalaque, ay ipahayag mo cay Honesto, na buns? tang capatid. Pagbilinan mo, na pagpasoc sa simbahan, ay houag maquipagumpucan sa capoua bata, nang houag mabighani sa pagtatauanan at pagbibiroan. Maninicloh?d nang boong galang sa harap?n nang Dios, magdaras?l nang rosario, at houag tularan ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,t, sa bata na nacatin~gala, nacabuc? ang bibig na parang isang han~gal, na napahuhula. Houag bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,t, isang casalaulaan. At sa iyo, Feliza, ang hul? cong bilin, ay houag mong bobonotin sa simbahan at saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matacp?n nang saya, sapagca,t, ga nacamumuh? sa malinis na mat? ang ipaquita. Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang boong cagalan~gan co: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.

Более 800 000 книг и аудиокниг! 📚

Получи 2 месяца Литрес Подписки в подарок и наслаждайся неограниченным чтением

ПОЛУЧИТЬ ПОДАРОК

Данный текст является ознакомительным фрагментом.