CAGAGAUAN NI URBANA
SA BAHAY NANG MAESTRA
Si Urbana cay Feliza.—MANILA....
FELIZA: Sa a las siete,t, cami macasimb? na, cacain cami sa agahan, pagcatapos ay maglilibanglibang ? maghuhusay caya nang cani-caniyang casangcapan, sapagca,t, ang calinis?n at cahus?yan, ay hinahanap nang mat? nang tauo, tauong n?guising at namulat sa cahusayan at calinisan. A las ocho, gagamit ang isa,t, isa nang librong pinagaaralan; ang iba,i, daramp?t nang pluma, tintero,t, ibang casangcapang ucol sa pagsulat, magdaras?l na sumandali bago umup? sa pagaar?l, hihin~ging tulong sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinagaaralan; magaaral hangang ? las diez, oras nang pagleleccion s? amin nang Maestra; pagcatapos, magdaras?l nang rosario ni Guinoong Santa Maria. Pag nacadas?l na nang rosario, aco,i, nananah?, ? naglilinis caya nang damit, at pag cumain ay iguinagayac co ang servilleta, linilinis co ang tenedor, cuchara at cuchillo, na guinagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito,i, cung maquita nang Maestrang marumi, ay cami,i, pinarurusahan. Pagtugtog nang ? las doce, oras nang aming pagcain ay pasasa mesa cami, lalapit ang isa,t, isa sa cani-caniyang loclocan, magbebendicion ang Maestra sa cacanin, caming man~ga bata,i, sumasag?t nacatindig na lahat, ang cataua,i, matouid at iniaany? sa lugar. Pagcarinig namin nang n~galang Jesus at Gloria Patri, ay itinutun~g? ang ulo, at saca cami,i lumulocl?c sa pagcain. Pagcatapos, magpupuri,t, magpapasalamat sa Dios. Sa hapon cami ay nagaaral para rin sa umaga. Pagtugtog nang Ave Maria ay magdarasal cami nang pagbati nang Angel cay Guinoong Santa Maria, na paluh?d; sa arao nang Sabado at Domingo nan~g hapon, ay patindig, at gayon din naman magmul? sa Sabado Santo hangang sa S?badong v?speras nang Sant?sima Trinidad. Gayon ang bilin nang Santo Papa, na nagcaloob nang indulgencia sa dasal na ito. Pagcatapos, sino ma,i, ualang tumitindig sa amin hangang hindi nan~gun~guna ang Maestra, at saca nagbibigay nang magandang gabi sa caniya. Sa gabi magdaras?l nang rosario, pagcatapos, magaaral nang das?l ang iba, at ang iba nama,i, tinuturuan nang Maestra nang paquiquipagcapoua tauo. A las ocho cami humahapon; pagcatapos, naglilibang, naglalar? ang iba, at ang iba,i, nagsasalitaan. A las nueve y media, cami,i, nagdaras?l na saglit, isang cuartong oras bumabasa nang gunamgunam, pagcatapos, pagdidili-dilihin ang binasa, magaalaala nang casalanang nagaua sa arao na yaon; at inahihin~gi nang tauad sa Panginoong Dios. May isang bumabasa sa amin naman niyaong man~ga uica, na gunam gunamin na ang pagtulog ay larauan nang camat?yan, at ang hinihigang banig, ay cahalimbaua nang hucay; hindi nalalaman nang isa,t, isa, na cun sa gabing iya,i, hahatulan nang Dios, na ipa-paris sa haring Baltazar na pinangusapan. Sa gabing ito,i, huhugutin ang caloloua mo sa iyong catauan. Macalau? isang lingo, nagcocompisal aco at naquiquinabang; ang iba,i, minsan sa isang buan, ? lingo, at ang sinusunod ang utos nang man~ga confesores. Ang lahat na ito, Feliza, ay alinsunurin mo, at siya mo rin namang ituro cay Honesto, sapagca,t, nauucol sapaglilingc?d sa Dios, sa paquiquipagcapoua tauo: Adios, Feliza.—URBANA.
Более 800 000 книг и аудиокниг! 📚
Получи 2 месяца Литрес Подписки в подарок и наслаждайся неограниченным чтением
ПОЛУЧИТЬ ПОДАРОКДанный текст является ознакомительным фрагментом.