TAPAT NA CASIPAGAN

NANG BATA SA PAGAARAL

PAOMBONG....

URBANA: Tinang?p co ang man~ga sulat mo aco,i, napapasalamat sa iyo at cami ni Honesto ay pinagsasaquitan mong matuto.

Aquing iniutos sa caniya na pagaralan itong man~ga reglas na padala mo; tinangap nang boong toua at nagsaquit magaral. Sa caniyang pagpipilit ay natuto; at ang uica mo na di lamang siya ang maquiquinabang ay pinatutuhanan. Nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa,i, ang magaling ay hindi matahimic sa isa cun di sa calahatan. N~gayon ang man~ga escuela,i, nagcacahayahan, nagpapaquitaan nang cani-canilang sulat at cun may mabating mali nang capoua bata, ay binabago ang sulat. Ang sulat cong ito ay letra ni Honesto. Adios Urbana.—FELIZA.

Более 800 000 книг и аудиокниг! 📚

Получи 2 месяца Литрес Подписки в подарок и наслаждайся неограниченным чтением

ПОЛУЧИТЬ ПОДАРОК

Данный текст является ознакомительным фрагментом.