CAASALAN SA SARILI

Si Urbana cay Feliza.—MANILA …

FELIZA: Aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatol?ng ucol sa paglilingc?d sa Dios, n~gayo,i, isusun?d co ?ng nauucol sa sarili nating catauan. Sabihin mo cay Honesto, na bago masoc sa escuela, maghihilamos muna, suclain aayosin ang buh?c, at ang baro,t, salau?l na gagamitin ay malinis; n~guni,t, ang calinisa,i, houag iuucol sa pagpapalalo. Houag pahahabaing lubha ang buh?c na parang tulisan, sapagca,t, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo. Ang cuc? houag pahahabain, sapagca,t, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot sa sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cuc?, ay nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain. Bago magalmosal, ay magbigay muna nang magandang arao sa magulang, maestro ? sa iba cayang pinaca matand? sa bahay. Sa pagcain, ay papamihasahin mo sa pagbebendici?n muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa Dios. Cun madurumh?n ang camay, muc-ha ? damit, ay maglinis muna bago pa sa escuela. Houag mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla ? regla, papel, libro,t, lahat nang ga~gamitin sa escuela ay maguing dun~gis dun~gisan. Cun naqu?quipagusap sa capoua tauo, ay houag magpapaquita nang cadun~goan, ang pan~gun~gusap ay totouirin, houag hahaloan nang lany?s ? lambing houag cacamotcamot ? hihilurin caya ang cam?y ? babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo pa n~ga,t, houag magpapaquita nang casalaolaan. Sa harap nang ating magulang ? matand? caya, ay houag mong pababayaang manabaco, ? man~gusap caya nang calapastan~ganan, ? matunog na sabi. Cun naquiquipaglar? sa capoua bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan, ? dumh?n caya ang damit nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na ang masam? sa iyo,i, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa dibdib at alinsunurin. Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, ? marumi. Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i, ilalagay ang daliri sa il?ng at sisin~g?. Ca-iin~gat, Feliza, na ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa pany? ay marahang gagauin, itatalic?d ang muc-h? ? lumayo caya. May isa pang pinagcacabihasnan ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang cam?y ay iquinacamot sa har?p. ?Asal na cahalayhalayan na nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan nang bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.

Более 800 000 книг и аудиокниг! 📚

Получи 2 месяца Литрес Подписки в подарок и наслаждайся неограниченным чтением

ПОЛУЧИТЬ ПОДАРОК

Данный текст является ознакомительным фрагментом.